Tuesday, January 6, 2009

Anti-Boredom Movement

Nakakabored minsan ang life, kapag wala tayong masyadong ginagawa, kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip natin. Minsan maganda, minsan pangit. Kadalasan pangit, paano? puro problema kasi ang nararamdaman natin. Problema sa pamilya, kaibigan, boyfriend, girlfriend, kabit ng boyfriend o girlfriend, trabaho, school at marami pang iba. Naiinip din tayo sa takbo ng buhay natin. Paulit-ulit na parang nasa isang dimensyon lang tayo. Kung iisipin natin ang life boring talaga. Kaya nakaisip ako ng ilang tips para mabawasan pagka boring ng ating buhay:

  • Try mong mag drawing ng iba't-ibang uri ng hayop, puno, tao at infrastracture.
  • Tumambay sa mall at magpalamig. Try mo din mag window shopping.
  • Maghanap ng sports hobby gaya ng badminton, karate, tae-bo, wrestling at weight lifting.
  • Magbasa ng libro, dapat yung mahaba para ubos oras.
  • Manood ng maraming DVD movies.
  • Kumain ng masusustansyang pagkain.
  • Gumawa ng blog site para mailabas ang stress.
  • Makipagkuwentuhan sa kaibigan para mailabas ang mga hinanakit sa mundo.
  • Mag travel sa mga malalayong lugar para malibang ang iyong mata.
  • Mag-isip ng mga craft works or displays para masaya.

No comments: