Wednesday, July 29, 2009

Mga Pelikulang may koneksyon sa Peryodismo

Sa aking pagkabagot sa bahay, wala naman kasi akong pasok sa paaralan ngayon. Mamaya pang 9:45 nang gabi ang pasok ko bilang isang Call Center Agent. Naisip ko lang ang aking napili na propesyon, ang Journalism. Pasensya na at hindi ko alam ang tagalong nyan. Naisip ko ang mga pelikulang naipalabas na may kinalaman dito. Malamang nag search ako sa magarang Google. Ito ang aking mga napanood. Isang malaking tawa. Hahahaha.
Sa mga makakabasa, baka balak ninyong panoorin. Kapupulutan siya ng aral. Moralidad sa pagsulat at pag-adya sa pagrespeto ng mga personal na bagay.

• Devil Wears Prada. Dalawang Beses ko na itong napanood. Nakakatuwa si Anne Hathaway, kasi assistant to the Editor-in-Chief. Ang labas, personal assistant ng isang napaka demanding at brat na boss na ginampanan ni Meryll Streep. Ang paborito kung linya ni Meryll Streep ay ang “That’s all” sabay sara sa binabasang diyaryo. Fame and Popularity, konseptong ipinaalam ng pelikulang ito. If you want to be in a higher position, be fame and greedy as possible. Isang moral na sa atin ay mali, ngunit nangyayari naman sa totoong buhay.
• The Killing Fields. Isang pelikula nang pagkakaibigan ng isang reporter at manunulat sa Laos. Ang sikat na Vietnam War noon. Malamang kidnapping ang drama. Ang natutunan ko sa pelikulang ‘to, Friendship beyond any adversities that may happen. High School pa ako nang aking mapanood ang nasabing pelikula.
• Confessions of a Shopaholic. Pinanood pa namin ito ng aking kapatid sa SM Fairview. Pareho kasi naming gusto ang konsepto ng pelikula. Naging Financial Journalist ang bida ngunit isa naman gastador. Nakakatuwa siya kasi, sumikat pa yun article niya sa magazine. Mga tips sa pagtitipid, kaso hinahabol siya ng isang credit card collector. Ironic Film. Natutunan ko dito, ang bagay na hindi natin gusto ay ang ating pagkatuto.

Ito lang ang mga alam kong napanood kong pelikula na may kinalaman sa aking napiling propesyon. Sa aking pananaw, A journalist’s writing may cherish a hundred years reliving its literary consciousness to the next generation. Naalala ko na, Peryodismo pala ang tagalog ng Journalism. Pakitama kung ako man ay mali.