Saturday, August 29, 2009

Speak English



Ito ang una kong editoryal. Maraming mapapansin na mali sa tamang paggamit ng wikang Filipino. Ipagpaumanhin niyo na po. Nais ko lamang ipahayag ang aking malayang kaisipan tungkol sa isang mensahe na nakapaskil sa ating corridor. Ang "Speak English" na isang promosyon ng isa mga call center dito sa Pilipinas, ang ePLDT Ventus.

Wala naman masama sa paskil ngunit ang pangalan ng ating unibersidad ay isa sa mga nagsabatas na ang Wikang Filipino ang gagamitin sa ating bansa, mga gusali ng gobyerno at isang konsentrasyon sa ating pag-aaral ng wika. Masasabi ko na ang nais na ipahayag ng paskil ay kung nais natin makipagsabayan sa Globalisasyon, kailangan natin mag-isip at magsalita sa wikang Ingles.

Ang ating unibersidad ay Manuel L. Quezon, kinikilala na Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nagpatupad ng batas sa paggamit ng sentral na wikang Filipino o Tagalog sa ating bayan.

Sa aking opinyon, sa nagbabagong panahon ng ating teknolohiya, ekonomiya at Pilosopiya. Ang wikang Ingles ay gamitin. Kapag nag-apply ka ng trabaho sa gobyerno o pribadong institusyon. Ang kadalasang tanong ay sa wikang Ingles. Ang mga tanong sa ating pagsusulit bukod sa asignaturang Filipino ay sa wikang Ingles.

Ang tanong ay ang paano natin pahahalagahan ang mga naiwang pamana at pagpapahalaga sa wikang Filipino ni Jose Rizal at Manuel L. Quezon. Simple lang ang aking kasagutan, Ipagmalaki mo na Pilipino ka. May Wika tayong kakaiba at tayo lamang ang gumagamit. Hindi masama ang magsalita sa wikang Ingles, huwag lang natin kalimutan ang ating sariling wika. "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda", sabi ni Jose Rizal.

Uncle Sam: Do you speak English?
Juan dela Cruz: Yup. Do you speak Filipino?
Uncle Sam: What's Filipino?
Juan dela Cruz: That's my mother tongue. Our language in the Philippines.
Uncle Sam: Amazing! Can you speak two languages?
Juan dela Cruz: Not just two languages but I can also speak fluently in Cebuano.
Uncle Sam: That is so very awesome! Fantastic!

Ang isang dayalogo na ito ay isang pagpapakita na mapapaelib mo si Uncle Sam sa talento mo sa wika. Iilang tao lamang ang "polyglot" o may kakayahan na makapagsalita ng higit sa isang wika.

Ito lang 'yan, kung alam mo na ang wikang Filipino, ang wikang Ingles ay madali na lamang bigyan ng "translation". If you speak English you are Globally competitive, if you speak Filipino, you are more Globally competitive. Speaking in English is not having an American Dream but having a solid Filipino Culture and Patriotism. Lagi natin tatandaan na ang wikang Filipino ay may namumukod tanging kasaysayan, kultura at lahi.