- Try mong mag drawing ng iba't-ibang uri ng hayop, puno, tao at infrastracture.
- Tumambay sa mall at magpalamig. Try mo din mag window shopping.
- Maghanap ng sports hobby gaya ng badminton, karate, tae-bo, wrestling at weight lifting.
- Magbasa ng libro, dapat yung mahaba para ubos oras.
- Manood ng maraming DVD movies.
- Kumain ng masusustansyang pagkain.
- Gumawa ng blog site para mailabas ang stress.
- Makipagkuwentuhan sa kaibigan para mailabas ang mga hinanakit sa mundo.
- Mag travel sa mga malalayong lugar para malibang ang iyong mata.
- Mag-isip ng mga craft works or displays para masaya.
Tuesday, January 6, 2009
Anti-Boredom Movement
Nakakabored minsan ang life, kapag wala tayong masyadong ginagawa, kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip natin. Minsan maganda, minsan pangit. Kadalasan pangit, paano? puro problema kasi ang nararamdaman natin. Problema sa pamilya, kaibigan, boyfriend, girlfriend, kabit ng boyfriend o girlfriend, trabaho, school at marami pang iba. Naiinip din tayo sa takbo ng buhay natin. Paulit-ulit na parang nasa isang dimensyon lang tayo. Kung iisipin natin ang life boring talaga. Kaya nakaisip ako ng ilang tips para mabawasan pagka boring ng ating buhay:
Isang Buntong Hininga
Nakapag blog din ulet dito. Siyempre nakabalik din sa pagsusulat . Nabobored na kasi ako dito sa office. Mamaya pa yung sunod na klase ko sa isang Korean student. Anyway, ipapakilala ko pala kung sino ako.
Ang tagal ko nang ginagawa at nagmemaintain nang blog na 'to. Ganito na lang, ang pinakasimpleng paraan para i-describe ang sarili ko ay sa paraan na ito.
Ang tagal ko nang ginagawa at nagmemaintain nang blog na 'to. Ganito na lang, ang pinakasimpleng paraan para i-describe ang sarili ko ay sa paraan na ito.
Si Alex ay...
Isang simpleng mamamayan ng bansang Pilipinas,
Nagtuturo ng Ingles sa mga Koreano sa paraang "online",
Nag-aaral ng Broadcast Communication sa isang State University,
Naging Call Center Agent sa isang sikat na Contact Center Company,
Nag-aral ng Nursing ngunit hindi niya ito natapos dahil ayaw niya,
Isang aspirant writer/editor sa isang sikat na magasin,
Nais din niyang maging professor sa isang unibersidad,
Isang panganay na anak,
Kapatid sa kanyang babaeng kapatid,
Isang blogger kapag bored na siya,
Lihim na umiibig sa isang kaibigan,
Isang taong may takot sa Diyos.

Yan muna ang aking masasabi sa isang taong kagaya ko. Marami pa yan pero sa susunod na. Nakakapagtaka kasi gumagawa ako ng blog sa inang dila ko. Sa totoo lang, mas nais ko ang blog na Ingles ngunit ito ang nasa aking malawak na kaisipan. Hanggang sa susunod ulit.
Subscribe to:
Posts (Atom)