Friday, October 14, 2011

You got a text message: Do not reply!

Maraming text message na hindi pwedeng replyan at huwag assuming. Hehehe!

Una - Hahaha!

Sa totoo lang: Kapag may nagreply na sa akin ng ganyan. Hindi na ako nagrereply ng Hahaha! Kasi wala naman topic para ipagpatuloy ang topic.

Pangalawa: Ah.

Isa sa mga kaibigan ko ganyan magreply. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o wala na siyang idea.

Pangatlo: Blank Message

Nagpapakita na mas marami siyang load at nagpapapansin na naman.

Pang-apat: Kumusta?

Paborito kong itext ‘yan, parang punchline pero hindi. Trip ko lang magtext n’yan para may makatext.

Panglima: Good Morning! Good Afternoon! Good Evening! Good Night!

Hindi ako teacher o may posisyon para igreet, pero nakakatuwang replyan kadalasan.

Pang-anim: Ano balita?

Ginagawa kang reporter minsan ng katextmate mo.

Pangpito: Ingat!

Kung magreply ka kaya ng naaksidente ka bigla? Magreply kaya kaagad yun nagtext?

Pangwalo: Hi! Hello!

Usual reply sa ganyan kapag Hi dapat Hello. Kapag hello naman dapat Hi. Tapos text-text na kayo.

Pangsiyam: Asan ka?

Parang may security threat sa buhay mo, pero nakakatuwang replyan. Bwahaha!

Pangsampu: Tulog knb?

Kapag hindi nagreply , tulog na ‘yan. Kapag nagreply, gising pa at may energy magtext.

Ito pinaka matindi sa lahat, wrong send! Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiirita ako kasi magsesend na lang message, sa maling tao pa. Awts! Ganyan yata talaga, no one is perfect and people make mistakes – Kahit sa TEXT!