Friday, September 25, 2009

Buhay Call Center


Isang Linggo na lang at hindi na ako magtatrabaho sa Call Center. Halos pitong buwan din akong nagtrabaho sa industriyang ito. Ay mali, kung idadagdag pa ang halos labing-isang buwan ko sa unang Call Center na pinagtrabahuhan ko sa Eastwood. Nagtrabaho na ako sa industriyang ito ng halos isang taon at anim na buwan.

Bakit ba ako nagtrabaho sa Call Center?

"Kailangan ko na kasing kumita ng pera". Simula nang sinabi ng nanay ko na mag stop sa kursong Nursing. Nabuksan ang oportunidad na ako'y magtrabaho sa Call Center.

Ano ang mga nabuksan sa pagtatrabaho mo sa Call Center?

"Marami". Nalaman kong gusto ko pala ang Wikang Ingles. May husay pala ako sa ikalawang wika natin mga Pilipino. Lumipat tuloy ako sa kursong Peryodismo, na may kaalaman sa wikang nasabi.

Ano ang Call Center sa ngayon?

Ito ay isang Economic Driver sa atin lahat. Kung walang Call Center, walang trabaho ang karamihan sa atin.

Ano ang mensahe mo sa Industriyang Call Center?

"Salamat". Dahil sa industriyang ito, tinuruan akong maging matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Naging bukas ang aking kaisipan sa mga sitwasyon. Natuto akong makisama sa mga tao.

Babalik ka pa ba sa Call Center?

"Hindi na". Maghahanap ako ng trabaho na wala nang relasyon sa industriyang ito. Nais ko nang gamitin ang aking mga natutuhan sa paaralan.

Ano ang mensahe mo sa nagbabalak na pasukin ang Call Center?

"Good Luck". Kailangan niyong maging matatag lalo na sa Stress at Pressure. Dapat ninyong intindihin ang ibig sabihin ng Business.

No comments: