Wednesday, July 22, 2009

Sa Aking Pananaw

Sa aking paggising sa umaga,
Nakita ko ang sinag ng araw,
Aking mata’y nag-alab sa bagong araw,
Aking Hinagap ay tumpak.

Sa aking pakiwari’y isa itong araw na kakaiba,
Nabago ang aking pananaw,
Sa buhay, eskwela, trabaho at kapwa,
Lahat tayo ay hindi perpekto.

Isang wangis ng isang hugis,
Tanging Siya lang ang nakakaalam,
Pilit kong hinahanap ang kasagutan sa akin puso,
Nasaan ba ang aking daan.

Ano ba ang tama?
Nasaan ba ang katotohonan?
Isa lang ang tama, maging masaya sa buhay na ito.
Tumawa sa bawat indak ng buhay,

Iiyak sa langit ang kahirapan,
Lahat masosolusyunan,
Sa tamang gabay ng ating kaalaman at karanasan,
Isang bagong araw ang hakbang.

No comments: